Sunday, November 3, 2013

Libingan ng mga Bayani










Its been a pleasure for us na makapunta at makadalaw sa puntod ng lolo ko (lolo pala ni papa) Libingan ng mga Bayani, Taguig City..eheheheheh..

First time kong pumunta dito, at masaya pa dun eh, kasama ko na ung sarili kong pamilya, hindi man nya kami nakasama, eh ang mahalaga nadalaw namin sya, mejo masaklap nga lang kasi hindi kami ready, kasi wala kaming idea kung saan talaga nakalibing, meron kaming napuntahan na section ng libingan, (Section by Section kasi un eh) nasa section 9 ata kami nun, inisa isa talaga namin, nakakapagod maghanap kasi ang dami, tapos si papa ang gulo pa ng instruction, tama ba namang sabihin na pagkatapos sa bilog dun sa gitna, baba kayo ng konti, tapos sa babang baba bandang gitna...ang gulo diba..ahahha..buti may isang lalaki na napagtanungan nila misis, sabi sa Admin Office na lang kami magtanong, at ayun nga lakad nanaman, eh ang layu eh, nakakapagod kaya, pero pagdating dun sa office, pinalista lang yung pangalan, at BOOM... Sgt. Esteban A. Valmores, Lumabas na sa record. nagbigay sila ng pinaka mapa, tapos go na ulit kami, buti na nga lang may dala kaming flash light kasi mejo madilim na,, at ayun succesful naman ang paghahanap...ang saya, parang treasure hunting lang...

Isipin mo wala man lang kaming dalang kahit anung makakain, bukod sa kandilang dala ni misis at dala ko naman ay Marlboro Lights at Kopiro na kendi, nag-iwan na lang ako sa kanya nun,... pero masaya, although sementeryo sya, parang nakakarelax ung pagiging tahimik ng lugar,,,tapos sinayawan pa ng anak ko ung puntod ni lolo ng "whoops kiri" ang kulit...

He is a World War II  U.S Army Veteran, I'm very proud na nakipaglaban sila sa mga hapon, tama nga naman ung qoute na nakalagay sa entrance palang ng Cemetery "I do not know the dignity of  his birth, But  I do know the glory of his death" astig ung gumawa ng katagang ito. I Salute You.


--- Steve Rhayan Valmores---

0 comments:

Post a Comment